Wednesday, June 11, 2008
Joaquin Bordado
Ang Original na Joaquin Bordado ang gumanap ay si Ramon Revilla. At ang pagkakaalam ko meron lang syang lima na tattoo ito yung agila, ahas, scorpion, gagamba at ang panglima ay ang diablo. Ang diablo ang pinakamakapangyarihan ngunit hindi puedeng gamitin ni Joaquin dahil ang sabi ng nagbigay sa kanya ng tattoo na isang matanda ay huwag nyang gagamitin ito sapagkat mapanganib. Dahil ang diablo ay maaarin nyang makalaban o ito ang papatay sa kanya. Si Joaquin ay umabuso dito kaya ginamit nya sa kasamaan ang kanyang mga tattoo. Hanggang sa naging kilala sya sa paggawa ng kasamaan at tinugis sya ng pamahalaan. namatay lahat ang tattoo ni Joaquin dahil kahit isa sa mga tattoo nya ay wla ng bumalik kaya napilitan syang palabasin ang diablo. Dahil dito naubos ang alagad ng pulisya at ng magkita sila ng diablo ay pinabalik nya ito sa kanyang katawan subalit hindi na ito bumalik at silang dalawa ang naglaban sa kasamaang palad ay namatay si Joaquin at nawala na rin ang diablo. So ito ang aking kwento tungkol kay Joaquin Bordado. Ang comment ko dito kahit anong kapangyarihan meron kayo ay huwag nyong samantalahin at gamitin sa pagsasamantala at paggawa ng masama. Dahil sabi nga wlang kasamaang hindi pinagbayaran.
Subscribe to:
Posts (Atom)